Choice I don't remember making.

Forever is just a lie

Malakas pa rin ang ulan. Sabi sa balita sa telebisyon magkakaroon daw ng konting pag-ulan dahil sa may namumuong low pressure area sa dagat pasipiko malapit sa amin. May kumakalat din na balita na magkakaroon daw ng tsunami. Ewan. ‘Di ko alam kung san na naman galing ang balitang to. Ang mga tao talaga, magkaroon lang ng konting pag-ulan, bagyo na ; malakas na alon sa dagat, tsunami na ; at magkaroon lang ng konting problema .. komplikado na.

Biglang tumila ang ulan, lumabas ako para magpa-load. Nadaanan ko sina Aling Mameng at Aling Shiela na nag-uusap .. o nagtsi-tsismisan.

“ Alam mo ba, buntis na naman daw si Rosa! ”

“ Ano?? Sinong Rosa ba yan?! ”

“ Ano ka ba! Si Rosa sa kabilang eskinita! ”

“ Ah.. Ano?! pang-ilang anak niya na ba yan?! ”

“ Ika-labin-tatlo an ata! Grabe naman ‘tong asawa nya noh! masyadong masipag! ”

“ Nakow! Oo nga! Mantakin mo yun! Ano pa ang ibubuhay nila sa mga anak nila? Eh pareho silang walang trabaho! ”

“ Mabuti na lang kamo marami rin ang tumutulong sa kanila, mabait yang si Rosa eh. ”


Nang malayo-layo na ako sa dalawa, hindi ko na narinig ang sumunod nilang pinag-usapan. Napadaan din ako sa ilang mga tambay na naka-shades at naninigarilyo.


“ P’re, pa-text nga. Text ko lang yung gerlpren ko, miss na miz ko na eh. pwede ba? ”

“ Sige ba p’re. ‘To oh. Diinan mo na lang yung harap ng screen para makita mo mga nakasulat. Medyo nasira eh.. ”

“ Ah sige. ”

“ P’re ‘ta niyo yung nakasakay sa motor oh! Seksi! Haha. ”

“ Oo nga noh! *wetwiiw* ”

“ LOL ”


Nagtinginan ang lahat sa isa nilang kasama.


“ Anong LOL p’re? ”

“ Ewan din. Yun din mga sinisend saken ng mga textmate ko pag tumatawa sila. ”

“ Jago ka pala! esmayli lang yun! ”

“ Huh? Pano? ”

“ Basta! Wag ka na magtanong! Makisabay ka na lang sa uso! ”


Tinakpan ko na ang tenga ko sa mga narinig ko at dumiretso sa tindahan.

“ pa-load nga po. ”

“ ilan? ”

“ 30 lang. ”

“ ‘to oh. paki-type ng munber. ”


Bumalik agad ako ng bahay. Di ko na pinakinggan ang mga tambay. Di ko na rin pinakinggan ang dalawang Ale ng madaanan ko ulit sila.

Biglang bumuhos ang ulan.

“ Haaayy~ ”

Naisipan kong matulog pero di ako makatulog kaya binuksan ko na lang ang T.V. Showtime na. Ang paboritong palabas ng Bayan. Nakaka-busog kasi ang mga hindi nakaka-sawang jokes ng mga hurado lalo na si Vice Ganda.

Maya-maya napunta ang usapan sa bagong damit na suot ni Vice.

“ Vice ang ganda na man ng suot mo today .. wow. ”

“ Oo siyempre, pinaghandaan ko ng mabuti ang isusuot ko ngayon. ”


Natulala ako. Nasabi ko sa isip ko..

“ Kapag umibig ka pala, para ka lang damit, isusuot ka lang hangga’t kasya at bagay ka pa sa kanya.. Ang masaklap dun, hindi kakasya ang isang damit sa isang tao habambuhay. Sa madaling salita, kasinungalingan ang ‘FOREVER’ at kung pagkain lang ang ‘FOREVER’ ang dami na atang nalason. ”


- End of part 4 -

(Source: clyff)

Notes

  1. 81heartbeatsperminute reblogged this from clyff
  2. clyff posted this

About

Clyff Lanuza| Biologist | Public blogs | I write : Essays ; Poem ; Story ; Humor | I doodle too



Just some stupid blogs I keep writing about.
Poems I write from my deepest heart.
Humor that's weird as fuck.
And essays I am pushed to write.
Thank you for reading.
Highly appreciated.

Keep reading.


Wordpress | Fizzer | Blogspot

Credits