Choice I don't remember making.

Para saan ba?

Going back to the corner where I first saw you
gonna camp on my sleeping bag, I’m not gonna move


“ Ayoko na nga eh! ”
“ Hindi .. hindi maaari! ”
“ Wag mo na nga ako sundan! umalis ka na! ”
“ Bakit ba? Ano ba nagawa ko? ”
“ Wala! Umalis ka na! ”
“ Pero mahal kita! ”
“ Hindi na nga kita mahal eh! Tapos na tayo!”


Got some words on cardboard, got your picture in my hand
saying if you see this girl, can you tell her where i am


“ San ba ako nagkamali? Ano ba talaga nagawa ko? bakit?? ”
“ Basta. Hindi na kita mahal. Tapos na tayo. Kaya please wag mo na ako sundan ”
“ Pe-pero .. ”

Some try to hand me money, they dont understand
im not broke, im just a broken-hearted man
i know it makes no sense what else can i do?
how can i move on if im still in love with you?



“ Umalis ka na. ”



Cause if one day you wake up and find that you’re missing me
and your heart starts to wonder where on this earth i could be
thinking maybe you’ll come back to the place that we’d meet
and you’d see me waiting for you on the corner of the street


So im not moving
I’M NOT MOVIN’ ..



Tinanggal ko ang earphone sa aking kanang tenga ng makita kong luhaan ang lalaki sa senaryo kanina sa loob ng mall. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Naglalakad siya kaya sinundan ko. Binilisan ko ang paglalakad hanggang naabutan ko siya sa labas ng mall. Binigay ko ang panyo ko sa kanya.


“ Salamat. ”

Sabay sakay sa tricycle na dire-diretso namang humarurot sa kalye. Binalik ko ang earphone sa pareho kong tenga. Tapos na ang kanta. ni-replay ko ito at naglakad pauwi. Nakatitig ako sa nilalakaran ko at nag-iisip ng malalim. Hindi ko napansin umaambon na pala .. pero pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang lumakas ang ulan. Naglakad pa rin ako. Tumutulo na sa dulo ng baba ko ang tubig ulan sa sobrang pagkabasa ng ulo ko. Hindi ko namalayan nakauwi na pala ako. Pumasok ako ng bahay.
Naligo.
Nagbihis.
Nagsuklay.
Umupo.
Tumitig sa salamin.

Gaano ba kasakit ang iwanan ka ng mahal mo? Para ba yung pagtalon mula sa ika siyamnapu’t siyam na palapag pero pagbagsak mo ay nanatili kang buhay? Siguro nga.
Tanong ko lang.
Nakakainip ba maghintay?
Mahirap ba magmahal?
Nakakapagod ba maghanap?

Kapag sinabi ko bang OO nakakainip maghintay, titigil ka na?
OO Mahirap mag-mahal, tatapusin mo na?
OO Nakakapagod maghanap, magpapahinga ka na?

Kung gayon ..
“ Sino ang mamahalin mo? ”

Napaka-imperfect ng mundo noh?

Matalino ka,
Bobo naman yung iba.

May kaya ka,
Mahirap yung iba.

Busog ka,
Gutom naman yung iba.

MASAYA ka,
MALUNGKOT ang iba.

Ang mas nakakalungkot pa dun, sa sobrang pagkainis ng mga tao sa ‘IMPERFECTION’ .. nakikipagtunggali sila kahit di naman kailangan. Kahit nakakasakit na sila o nasasaktan sila.

Mahirap bang mamuhay sa mundong to?
Kapag sinabi ko bang HINDI. magagalit ka saken?
At pag sinabi ko bang OO. sasabihin mong ‘down to earth’ ako?
kung gayon ..
Ano ang isasagot ko?

May saktong sagot ba sa mga tanong na to? Na parang sagot sa isang tanong sa pagssusulit?

Oo nga pala. Binigyan tayo ng utak.
Sa isang salita,
Para san?

- End of part 3 -

(Source: clyff)

Notes

  1. clyff posted this
  2. 81heartbeatsperminute reblogged this from clyff

About

Clyff Lanuza| Biologist | Public blogs | I write : Essays ; Poem ; Story ; Humor | I doodle too



Just some stupid blogs I keep writing about.
Poems I write from my deepest heart.
Humor that's weird as fuck.
And essays I am pushed to write.
Thank you for reading.
Highly appreciated.

Keep reading.


Wordpress | Fizzer | Blogspot

Credits