Choice I don't remember making.

Dramatic Noodles.

Isang beses lumabas ako ng bahay. Gabi nun. Wala lang. Txt-txt. Tambay tambay. Tapos tumingala ako. Ang ganda nung nakita ko, so naisipan ko mag-wish. Wala. Trip ko lang. Pumikit ako. Humiling. Tapos pagbukas ko ng mga mata ko .. ngumiti saken yung buwan. Ewan. Yun yung nakita ko eh. Sabi ko sa sarili ko :

“Someday ako naman siguro.”

Nung naisip kong corny na ginagawa ko pumasok muna ako ng bahay. Naisipan kong magluto ng noodles. Ayun. Bagong drama na naman pumasok sa utak ko pero pinigilan ko. Lumabas ako ulit sa pagaakalang wala na akong maiisip. Pero ano pa nga ba .. nakita ko na naman yung mga bituin eh. Sabi ko sa kanila :

“Pareho lang kayo ng pangarap ko ..maganda nga .. ang hirap naman abutin.”


Wow.

Akalain mo yun. kinausap ko yung stars. Baliw na ata ako. Napaisip na naman ako :

“Naisip nya na kaya na .. mahal ko na siya ..”

Waaaaah~ baliw na ata talaga ako. HAHA.

“Bakit kaya pinipilit kong intindihin ang mga bagay na sobrang hirap maintindihan?”


Para lang yan na :

“Bakit ko naman kakainin ang pagkaing hindi naman ako ang nagluto? o hindi naman inihanda para saken?”

Naisip na kaya ng iba na :

“Minsan .. hindi ka na man talaga nagmamahal eh ..it’s either naiinggit ka lang sa iba ornasosobrahan ka na sa panonood ng sine at teleserye.”


Pero sino ba naman ang hindi magrereklamo? nakakainip kaya ang maghintay. Lalo na kung wala kang ginagawa. Tiningnan ko ang oras.

10:56.

PATAY.

May pasok pala bukas.

- End of part 1 -

(Source: clyff)

Notes

  1. 81heartbeatsperminute reblogged this from clyff
  2. clyff posted this

About

Clyff Lanuza| Biologist | Public blogs | I write : Essays ; Poem ; Story ; Humor | I doodle too



Just some stupid blogs I keep writing about.
Poems I write from my deepest heart.
Humor that's weird as fuck.
And essays I am pushed to write.
Thank you for reading.
Highly appreciated.

Keep reading.


Wordpress | Fizzer | Blogspot

Credits