This post was reblogged from Just walk in like you own the place.
Forever is just a lie
Malakas pa rin ang ulan. Sabi sa balita sa telebisyon magkakaroon daw ng konting pag-ulan dahil sa may namumuong low pressure area sa dagat pasipiko malapit sa amin. May kumakalat din na balita na magkakaroon daw ng tsunami. Ewan. ‘Di ko alam kung san na naman galing ang balitang to. Ang mga tao talaga, magkaroon lang ng konting pag-ulan, bagyo na ; malakas na alon sa dagat, tsunami na ; at magkaroon lang ng konting problema .. komplikado na.
Biglang tumila ang ulan, lumabas ako para magpa-load. Nadaanan ko sina Aling Mameng at Aling Shiela na nag-uusap .. o nagtsi-tsismisan.
“ Alam mo ba, buntis na naman daw si Rosa! ”
“ Ano?? Sinong Rosa ba yan?! ”
“ Ano ka ba! Si Rosa sa kabilang eskinita! ”
“ Ah.. Ano?! pang-ilang anak niya na ba yan?! ”
“ Ika-labin-tatlo an ata! Grabe naman ‘tong asawa nya noh! masyadong masipag! ”
“ Nakow! Oo nga! Mantakin mo yun! Ano pa ang ibubuhay nila sa mga anak nila? Eh pareho silang walang trabaho! ”
“ Mabuti na lang kamo marami rin ang tumutulong sa kanila, mabait yang si Rosa eh. ”
Nang malayo-layo na ako sa dalawa, hindi ko na narinig ang sumunod nilang pinag-usapan. Napadaan din ako sa ilang mga tambay na naka-shades at naninigarilyo.
“ P’re, pa-text nga. Text ko lang yung gerlpren ko, miss na miz ko na eh. pwede ba? ”
“ Sige ba p’re. ‘To oh. Diinan mo na lang yung harap ng screen para makita mo mga nakasulat. Medyo nasira eh.. ”
“ Ah sige. ”
“ P’re ‘ta niyo yung nakasakay sa motor oh! Seksi! Haha. ”
“ Oo nga noh! *wetwiiw* ”
“ LOL ”
Nagtinginan ang lahat sa isa nilang kasama.
“ Anong LOL p’re? ”
“ Ewan din. Yun din mga sinisend saken ng mga textmate ko pag tumatawa sila. ”
“ Jago ka pala! esmayli lang yun! ”
“ Huh? Pano? ”
“ Basta! Wag ka na magtanong! Makisabay ka na lang sa uso! ”
Tinakpan ko na ang tenga ko sa mga narinig ko at dumiretso sa tindahan.
“ pa-load nga po. ”
“ ilan? ”
“ 30 lang. ”
“ ‘to oh. paki-type ng munber. ”
Bumalik agad ako ng bahay. Di ko na pinakinggan ang mga tambay. Di ko na rin pinakinggan ang dalawang Ale ng madaanan ko ulit sila.
Biglang bumuhos ang ulan.
“ Haaayy~ ”
Naisipan kong matulog pero di ako makatulog kaya binuksan ko na lang ang T.V. Showtime na. Ang paboritong palabas ng Bayan. Nakaka-busog kasi ang mga hindi nakaka-sawang jokes ng mga hurado lalo na si Vice Ganda.
Maya-maya napunta ang usapan sa bagong damit na suot ni Vice.
“ Vice ang ganda na man ng suot mo today .. wow. ”
“ Oo siyempre, pinaghandaan ko ng mabuti ang isusuot ko ngayon. ”
Natulala ako. Nasabi ko sa isip ko..
“ Kapag umibig ka pala, para ka lang damit, isusuot ka lang hangga’t kasya at bagay ka pa sa kanya.. Ang masaklap dun, hindi kakasya ang isang damit sa isang tao habambuhay. Sa madaling salita, kasinungalingan ang ‘FOREVER’ at kung pagkain lang ang ‘FOREVER’ ang dami na atang nalason. ”
- End of part 4 -
(Source: clyff)
Iiyak ka na lang ba?
Nakatitig ang aking mga mata sa labas ng bintana. Malamig ang simoy ng hangin. Nakatunganga lang. Nananaginip na sa bawat pag-ihip ng hangin ay isasama nito papalabas lahat ng dinaramdam kong problema. Naghahangad na sana, sa bawat pagtunog ng segundo ng orasan ay matutuyo bawat patak ng aking luha. Magdidilim na. Mabilis ang paglipas ng bawat araw. Hindi na katulad ng dati. Hindi na katulad noong bata pa ako, buong mahabang araw na paglalaro. Nakapagtataka na sa bawat araw na dumadaan ay para bang walang pagbabagong nagaganap, ngunit kapag lumingon ka sa nakalipas at ikinumpara sa kasalukuyan, ang laki na pala ng pinagbago mo. Hindi mo namalayan, malaki ka na pala.
Malaki na para iyakan pa ang isang laruan.
Malaki na para kulitin ang mga nakatatanda para magtanong ng mga walang katuturang tanong.
Malaki na kaya kailangan nang tumayo sa sariling mga paa.
At malaki na kaya kailangan ng bumuo ng sarili mong desisyon.
Tapos na ang mga pagkakataong animo’y walang magpapabaya sayo. Tapos na ang mga araw ng mahabang paglalaro. At tapos nang itanong ang mga tanong na wala namang kwenta. Nakakapagod din kasi magtanong. Hindi ka na bata. Hindi na ipagtitimpla pa ng gatas. Hindi na susubuan pa kapag kumakain. At hindi na dapat madapa at masugatan.
Pero bakit parang lumala?
Masarap ang pakiramdam maging isang bata. Minsan nagsisisi ako at noong bata ako ay ipinagpipilitan ko ang sarili ko na lumaki na para magawa ko na ang mga ginagawa ng mas nakatatanda. Nalulungkot ako at inisip ko noon na kapag lumaki na ako ay magiging masaya ako ng sobra. Bata nga talaga. Nangungulila ako sa pag-iyak ko noon. Iniiyakan ko ang maliliit na bagay na noo’y malaking bagay na para sa akin. Iba ang iyak ko noon, kumpara ngayon. Malala pa ata. Mas naging iyakin ako. Ewan ko kung saan na galing ang luha ko pero kapag nagsimula na ang unang patak, diretso na itong bumubuhos na para bang ayaw na tumigil sa pag-agos. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pinipilit kong maging matapang, nanginginig ang aking loob.
Naalala ko minsan, tinanong ako ng katabi ko sa bus,
“ Iiyak ka na lang ba? ”
Hindi lang ako umimik.
“ Alam mo, kung problema yan, pilitin mo ang sarili mo na makahanap ng solusyon. At kung may pinagdadaanan ka man, daanan mo lang. Wag mo tambayan. Naniniwala akong lahat ng pangyayari may rason. At lahat ng problema, may solusyon. Pero kung wala ka talagang mahanap na solusyon, siguro mali ka. Hindi ‘yon problema, siguro isa yong katotohanan na dapat mong tanggapin. Hindi sa lahat ng oras ay magiging masaya ka. Hindi rin sa lahat ng oras ay makukuha mo ang gusto mo. ”
Medyo natigil ako. Pero bakat pa rin ang lungkot sa mata ko. Siguro nga tama siya, isa yong katotohanan na dapat kong tanggapin.
Nalaman kong masakit pala talaga ang katotohanan.
Mahirap tanggapin pero kailangan.
- End of part 5 -
(Source: clyff)
Bakit.
Bakit.
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ako pinanganak. Kung bakit ako lumaki. Kung bakit ako nagkaisip. Kung bakit ako may nararamdaman. Kung bakit ako sumasaya. Kung bakit ako nalulungkot. At kung bakit ako madali nasasaktan.
Sino nga ba ako para manakit? Eh tao lang naman ako.
Pero sino naman ako para saktan? Eh hindi naman ako laruan. Hindi ako manhid. May nararamdaman din ako.
Bakit nga ba?
Para makita ang marupok na lipunan? Hindi.
Ang madumi at karumaldumal na lipunan.
Marumi. Karumaldumal. Mapanakit. Mapaghusga. Hindi makatarungan. Laganap ang diskriminasyon. Mapanlinlang at Magulo.
Bakit.
Ako na lang lagi ang talo. Ang mali. Ang masama. At may kasalanan.
Hindi ba pwedeng ako naman ang tama? Hindi ba pwedeng ako naman ang pakinggan? Hindi ba pwedeng ako naman ang panalo?
Masama daw ako kasi unfair ako. Kasi selfish ako.
Sabi ko naman, hindi ako ang unfair. Hindi ako ang selfish. Hindi rin ako ang masama. Unfair ako? Hindi. Gusto ko lang maramdaman yung nararamdaman ng mga taong “MAS” sa akin. Selfish ako? Hindi. Inisip mo lang na sarili ko lang iniisip ko. Nararamdaman mo ba ako? Masama ako? Hindi rin. Mabuti naman akong tao. Hindi mo lang makita.
Siguro nga bulag talaga ako. Sana ako naman ang tama..
(Source: clyff)
Para saan ba?
Going back to the corner where I first saw you
gonna camp on my sleeping bag, I’m not gonna move
“ Ayoko na nga eh! ”
“ Hindi .. hindi maaari! ”
“ Wag mo na nga ako sundan! umalis ka na! ”
“ Bakit ba? Ano ba nagawa ko? ”
“ Wala! Umalis ka na! ”
“ Pero mahal kita! ”
“ Hindi na nga kita mahal eh! Tapos na tayo!”
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
saying if you see this girl, can you tell her where i am
“ San ba ako nagkamali? Ano ba talaga nagawa ko? bakit?? ”
“ Basta. Hindi na kita mahal. Tapos na tayo. Kaya please wag mo na ako sundan ”
“ Pe-pero .. ”
Some try to hand me money, they dont understand
im not broke, im just a broken-hearted man
i know it makes no sense what else can i do?
how can i move on if im still in love with you?
“ Umalis ka na. ”
Cause if one day you wake up and find that you’re missing me
and your heart starts to wonder where on this earth i could be
thinking maybe you’ll come back to the place that we’d meet
and you’d see me waiting for you on the corner of the street
So im not moving
I’M NOT MOVIN’ ..
Tinanggal ko ang earphone sa aking kanang tenga ng makita kong luhaan ang lalaki sa senaryo kanina sa loob ng mall. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Naglalakad siya kaya sinundan ko. Binilisan ko ang paglalakad hanggang naabutan ko siya sa labas ng mall. Binigay ko ang panyo ko sa kanya.
“ Salamat. ”
Sabay sakay sa tricycle na dire-diretso namang humarurot sa kalye. Binalik ko ang earphone sa pareho kong tenga. Tapos na ang kanta. ni-replay ko ito at naglakad pauwi. Nakatitig ako sa nilalakaran ko at nag-iisip ng malalim. Hindi ko napansin umaambon na pala .. pero pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang lumakas ang ulan. Naglakad pa rin ako. Tumutulo na sa dulo ng baba ko ang tubig ulan sa sobrang pagkabasa ng ulo ko. Hindi ko namalayan nakauwi na pala ako. Pumasok ako ng bahay.
Naligo.
Nagbihis.
Nagsuklay.
Umupo.
Tumitig sa salamin.
Gaano ba kasakit ang iwanan ka ng mahal mo? Para ba yung pagtalon mula sa ika siyamnapu’t siyam na palapag pero pagbagsak mo ay nanatili kang buhay? Siguro nga.
Tanong ko lang.
Nakakainip ba maghintay?
Mahirap ba magmahal?
Nakakapagod ba maghanap?
Kapag sinabi ko bang OO nakakainip maghintay, titigil ka na?
OO Mahirap mag-mahal, tatapusin mo na?
OO Nakakapagod maghanap, magpapahinga ka na?
Kung gayon ..
“ Sino ang mamahalin mo? ”
Napaka-imperfect ng mundo noh?
Matalino ka,
Bobo naman yung iba.
May kaya ka,
Mahirap yung iba.
Busog ka,
Gutom naman yung iba.
MASAYA ka,
MALUNGKOT ang iba.
Ang mas nakakalungkot pa dun, sa sobrang pagkainis ng mga tao sa ‘IMPERFECTION’ .. nakikipagtunggali sila kahit di naman kailangan. Kahit nakakasakit na sila o nasasaktan sila.
Mahirap bang mamuhay sa mundong to?
Kapag sinabi ko bang HINDI. magagalit ka saken?
At pag sinabi ko bang OO. sasabihin mong ‘down to earth’ ako?
kung gayon ..
Ano ang isasagot ko?
May saktong sagot ba sa mga tanong na to? Na parang sagot sa isang tanong sa pagssusulit?
Oo nga pala. Binigyan tayo ng utak.
Sa isang salita,
Para san?
- End of part 3 -
(Source: clyff)
FAQ’s about love?
Naglalakad habang nagbabasa.
Ano to? Ka-walang kwentahan ata.
Anyways, eto yun.
FAQ’s about love.
“ Paano mo malalaman kung pagmamahal talaga ang nararamdaman mo?”
Wala. Hindi mo naman alam kung bakit mo mahal ang isang tao di ba? So most probably, kung hindi mo kayang i-determine kung pagmamahal o hindi, love talaga yun. Pero hindi ka naman siguro magtatanong kung pagmamahal ang nararamdaman mo kung may sagot ka sa tanong na yan di ba? Makes sense?
“ Alin ba susundin ko? Puso o Isip? ”
Isip. Baka mabaliw ka kapag sinunod mo puso mo.
Puso. Baka masaktan ka lang kapag sinunod mo ang isip mo.
“ Bakit kung sino pa ang nagmamahal, siya pa ang nsasaktan? ”
Kadalasan kasi ang nagmamahal ng todo, ay yung naghahanap ng TRUE LOVE, na parating mali ang nakukuha. At ang hindi naman nagseseryoso, ay ang naghihintay ng TRUE LOVE at parating mali ang dumadating. YUN. Substantial naman ang sagot ko. I think. :)
“ Paano ba kalimutan ang taong hindi para sayo? ”
Mahirap kalimutan ang taong tinuring mong sayo na hindi naman pala para sayo. Para lang yang cupcake na nilunok mo na, tapos kailangan mong iluwa agad after 5 seconds. Pero paano nga ba? Kung yung cupcake ang pinoproblema mong iluwa, punta ka ng ospital pa CS ka. Pero kung yung pagmamahal ang iniisip mo, Ewan? Siguro takbo ka na lang rin ng ospital tapos papalit ka ng puso. Hehe. Hindi. Mahirap talaga. At sa sobrang hirap di ko na masagot ang tanong. XD.
“ Bakit kung kailan naka-move on ka na, tsaka ulit siya magpaparamdam? ”
Actually dalawa ang sagot diyan.
Firstly it’s either may galit or naiinggit siya sayo dahil may lovelife ka after niyo mag break, at siya wala so naisipan niyang manggulo at mandamay.
OR
Secondly, na-realize niya na MAHAL KA PA NIYA AT GUSTO NIYA HUMINGI NG SECOND CHANCE.
Yun lang yun. Wala nang iba.
Punit na. Asan kaya yung kadugtong nito.
Medyo madilim ang paligid. Sana hindi umulan.
- End of part 2 -
(Source: clyff)
Make a Relationship long-lasting
The drama between the red knots and the horseshoe crabs.
The wonderful thing about living here on earth is that every single organism cannot live without the existence of another. They generally exhibit relationship between them in such a way that one is benefitted and the other is harmed, or otherwise. It can also happen that no one is harmed but both are used to such manner. It puts a smile on my face that this process, or relationship is not just an accident, this is nature. But nature is changing rapidly now, that deletes the good mark on my face.
Consider the red knot and horseshoe crab for instance. Red knots feed on the eggs of horseshoe crabs; they depend strongly in these crabs. A red knot is a kind of bird that has short dark legs and a medium thin dark bill. The basic, plumage becomes uniformly pale grey, and is similar between the sexes. Red knots are tactile feeders, probing for unseen prey in the mud. Their feeding techniques include the use of shallow of shallow probes into the mud while pacing along the shore. When the tide is ebbing, they tend to peck at the surface and in soft mud they may probe and plough forward with the bill inserted to about a centimeter depth. They nests on the ground, near water, and usually inland. The nest is a shallow scrape lined with leaves, lichens and moss. Males construct three to five nest scrapes in their territories prior to the arrival of the females. The female lays three or more usually four eggs, apparently laid over the course of six days. Every year, they migrate for about 9000 miles; they stop and rest on some places to look for food. They need more energy for travelling. They have to look for food, especially the eggs of the crabs. If they found lots of these, they actually look bigger and if not, they look skinny.
The horseshoe crabs are bits scary too look at, but they are harmless. They live primarily in shallow ocean waters on soft sandy or muddy bottoms. They occasionally come to shore for mating and laying their eggs. During the breeding season, horseshoe crabs migrate to shallow coastal waters. Males select a female and cling onto her back. The female digs a hole in the sand and lays her eggs while the male fertilizes them. The eggs take about 2 weeks to hatch. The larvae molt six times during the first year. Unlike humans, horseshoe crabs do not have hemoglobin in their blood, but instead use hemocyanin to carry oxygen. Because of the copper present in hemocyanin, their blood is blue. Their blood contains amebocytes , which play role similar to white blood cells for vertebrates in defending the organism against pathogens. Horseshoe crabs are use as bait to fish for eels and whelks, mostly in the Unites States.
You see, they exhibit relationship. The horseshoe crabs don’t really care but hopes that their eggs will hatch and continue to reproduce. The red knots really depend on them, so without the horseshoe crabs, how would they travel? This is nature. And I think it should remain to be like this. Let us not be the reason for this process to stop. I really hope not.
(Source: clyff)
The Tangential: How Not to Be a Dick Using Tumblr's Ask Function →
Tumblr is an odd little monkey because it’s the most social blogging platform out there, but it barely gives you any tools for directly communicating with other users or even figuring out who they are. The built in links are “archive,” “mobile,” “ask” and “RSS,” with no link to email, Twitter,…
This post was reblogged from The Tangential.
A Dream Not So Sweet
By: Jed B. Peña
Oh, how lovely this morning is
The sun shatters a radiant bliss
The trees area dancing, full of joy
The wind singing, not so coy
When you see the clouds, sure you’ll grin
And soon the birds will fly softly within
The sky so blue, the breeze so cool
That when you stare, will make you drool
Oh such a lovely, blissful morning
But why the rain now come rushing?
The clouds turned gray and very heavy
The thunder laughed very loudly
The lightning strikes, now it’s angry
The rain cried down of harmful dreary
The aura transformed into a scary monster
Making the people run for danger
Trees falling down, here and there
Leaves are scattered everywhere
Water released its heavy burden
Flooding all over very sudden
Oh, what a tragic, scary day
Blocking all the good, sunny ray
It’s sad the cause is, us, so obvious
But it just doesn’t seem to trigger the fuse
Suddenly, I hear, alarm it seem
Knowing that it was not a sweet dream
Then I got up, my mood was taken
Asking, what’s the worst thing that can happen?
(Source: clyff)
Dramatic Noodles.
Isang beses lumabas ako ng bahay. Gabi nun. Wala lang. Txt-txt. Tambay tambay. Tapos tumingala ako. Ang ganda nung nakita ko, so naisipan ko mag-wish. Wala. Trip ko lang. Pumikit ako. Humiling. Tapos pagbukas ko ng mga mata ko .. ngumiti saken yung buwan. Ewan. Yun yung nakita ko eh. Sabi ko sa sarili ko :
“Someday ako naman siguro.”
Nung naisip kong corny na ginagawa ko pumasok muna ako ng bahay. Naisipan kong magluto ng noodles. Ayun. Bagong drama na naman pumasok sa utak ko pero pinigilan ko. Lumabas ako ulit sa pagaakalang wala na akong maiisip. Pero ano pa nga ba .. nakita ko na naman yung mga bituin eh. Sabi ko sa kanila :
“Pareho lang kayo ng pangarap ko ..maganda nga .. ang hirap naman abutin.”
Wow.
Akalain mo yun. kinausap ko yung stars. Baliw na ata ako. Napaisip na naman ako :
“Naisip nya na kaya na .. mahal ko na siya ..”
Waaaaah~ baliw na ata talaga ako. HAHA.
“Bakit kaya pinipilit kong intindihin ang mga bagay na sobrang hirap maintindihan?”
Para lang yan na :
“Bakit ko naman kakainin ang pagkaing hindi naman ako ang nagluto? o hindi naman inihanda para saken?”
Naisip na kaya ng iba na :
“Minsan .. hindi ka na man talaga nagmamahal eh ..it’s either naiinggit ka lang sa iba ornasosobrahan ka na sa panonood ng sine at teleserye.”
Pero sino ba naman ang hindi magrereklamo? nakakainip kaya ang maghintay. Lalo na kung wala kang ginagawa. Tiningnan ko ang oras.
10:56.
PATAY.
May pasok pala bukas.
- End of part 1 -
(Source: clyff)

